Friday, April 27, 2007

To hit or not to hit...

wow! nice story! nice experience! and I am starting to 'produce' some ideas from my mind and thinking the right words to write....STOP!

Just like a situation where I am about to eat my second popsikol while having a diet and an angel come into my 'rescue' at the right second shouting 'SSTTTTOOPPPP!!!' . That's how I feel every I read blogs. I am shy, and I know it's not a big deal. Pero pati ba naman sa internet mahiyain pa ako, ano lang kung andyan na sa harapan ko. That's the first reason of 'STOP'. The second is unintentional, untimely, wrong situation, wrong place, a honest mistake....gaffes. That is the culprit. Sometimes, I have so much enthusiasm to write nice words but at the end the culprit comes in. I think I lost some acquaintance for it. Here are my gaffes (read as embarrasment) :

1. For my ignorance, I didn't know where is NJ, Jamaica.

2. She asked if I could save my child for her soon-to-be daughter, and I replied in a kidding manner 'Someone has been waiting for him. I can also take Waiting List!'


3. I wrote 'you have a nice daughter' where in fact, she has no daughter yet.

Conclusion: I lost contact. No one replied me back anymore.

I have always in mind to be extra careful when writing (as well as opening my mouth) specially to those acquaintances who know me least. Now, to hit or not hit...for the meantime I just enjoy reading, and i want to say something on that blog, I'll post it here :) para walang magrereklamo. :D

Friday, April 06, 2007

Biernes Santo

Kahit na mahal na araw dito ay may pasok pa rin di gaya sa Pinas na walang pasok ng ilang araw sa paggunita ng Semana Santa. Araw sana ng pagmuni-muni sa taong kagaya ko at sa iba nama'y araw ng pagre-relax.


Sa totoo lang, masakit ang aking sikmura dahil sa isang tao. Asar ako, pero inisip ko na Biernes Santo dapat magpakahinahon ako at huwag mag buntong hininga ng mabigat at kalmahin ang tono ng aking boses. Naasar ako kaya isusulat ko na lang dito ang aking pagka-asar. Ako ang taga-test ng fw dito, kaya alam ko kung bakit may mga iba't-ibang fw dahil na rin sa kinakailangan ng kliyente. At lahat naman ay pinapaalam ko sa aking bos. Ewan ko kung binabasa nya aking email o hindi. AT kung nagpapaliwanag ako, dito ko alam kung nakikinig sa akin o hindi. At ito ang aking kinaiinis at nakakainsulto. Pag kailangan nya ang tulong ko ay sunod agad ako dahil nga bos ko. May problema sa fw, sana naman tanungin muna nya ako kung me alam ako. Syempre, may nakakataas din na bos na dapat nyang tanungin. Naaasar ako. Wala akong ganang mag trabaho kasi nga bad trip ako. May mga tao naman kasing sabak ng sabak kahit di alam kung ano ang nilalagay eh. Sa bandang huli, ako ang may kasalanan. Syempre ayaw ko namang pangunahan sila, may tiwala naman akong alam nila ang ginagamit nilang fw. Mali pa ako pag kokontrahin sila.
May isa pa dyan, laging sinasabing may bug. Akala mo perpekto pag nagsalita. hmp! Gusto ba yung pag dumating sa mesa ko ay sya na ang uunahin, syempre dapat kong tapusin muna ang unang tao na dumating. Asar ako. hmp! Pag me problema naman tinatawagan ako. hmp.
hay buhay! isipin ko na lang si Jesus ay mas malaking sakripisyo ang ginawa para sa atin. period.